Ayon sa Central
Intelligence Agency ng United States
of America, buhat sa isang isyu sa Manila
Bulletin noong nakaraang Hulyo ng taong ito,may tinatayang 103, 775, 002
katao na ang kasalukuyang naninirahan sa Filipinas. At sa bilang na ito, may
mahigit kumulang na 11.1 milyong pamilya ang nagsasabing sila ay napapabilang
sa Class D o E, isang lebel ng buhay kung ang isang pamilya ay nabubuhay sa
“isang kahig, isang tukang” pamumuhay. Ano ang maaari nating gawin upang
mawakasan na ang ganitong bulok na sistema sa ating lipunan? Paano natin
mapipigilan ang pagdami ng tao sa Filipinas?
Pinagkuhanan: http://thoughtsofashutterbug.wordpress.com/2012/08/04/im-pro-choice-im-pro-rh-bill/ |
Ilang taon na rin ng magsimulang
maging tampulan ng maiinit na diskusyon ang Reproductive
Health Bill (RH Bill) na isinusulong nina Representative Espina, Lagman, Garin, Bag-Ao, Bello, Biazon,
Syjuco, Ilagan at De Jesus. Nilalayon nitong magabayan ang bawat magulang sa
isang planado, ligtas at pinag-isipang pagpapamilya. Binibigyang-diin din sa RH Bill ang iba’t ibang paraan upang
malipol ang mga taong nakakaranas ng isang kahig, isang tukang pamumuhay. Sa
pamamagitan nito ay mas mauunawaan ng bawat tao ang kahalagahan ng buhay at
pamilya, pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan at higit sa lahat,
pagpaplano sa pagbubuntis at ipinagbubuntis. Dahil sa mga magagandang balakin
ng bill na ito, naniniwala akong
ito’y maaaring maging isa sa mga landas patungong maatuwid na daan.
Pinagkuhanan: http://fvdb.wordpress.com/2011/02/14/a-friendly-letter-to-all-pro-rh-bill-freaks/ |
Delikado nga ba ang magbuntis at
manganak? Ayon sa matatandang kasabihan, nasa hukay daw ang isa sa mga paa ng
inang nanganganak, ito’y nangangahulugang delikado at nakamamatay ang
pagluluwal ng isang bagong buhay. Ayon pa sa isang pagsasaliksik sa 2011 Family Health Survey, may 221 namamatay
sa bawat 100, 000 buhay na batang iniluluwal sa Filipinas. Mula sa 162 na
bilang noong 2006, makikitang tumaas ito ng 59 katao. Para sa akin, dapat ng
magsimulang mangamba ang ating gobyerno sa patuloy na paglaki ng bilang na
nangangamatay na sanggol at ina.
Pinagkuhanan: http://tuggot.blogspot.com/2010/10/issue-of-reproductive-health-rh-bill.html |
Marahil, marami sa atin ang kasalukuyang
napapaisip sa importansya at benepisyong makukuha mula sa bill na ito. Ngunit, ano nga bang kahalagahan nito? Ang RH Bill ay binuo alinsunod sa: 1.
patuloy na paglobo ng populasyon sa
Filipinas, 2. nilalayon nitong mabigyan ng edukasyon ang mga mag-asawa sa
mahusay na pagpaplano ng pamilya o family
planning, 3. dahil sa pagtaas ng bilang ng HIV victims, ang bill na
ito ang tutulong sa mga mamamayan na makaiwas sa ganitong sakit sa pamamagitan
ng pagbibigay edukasyon ukol sa iba-‘t ibang paraan ng malinis at maingat na
pakikipagtalik, 4. ang bill na ito
ang siyang magiging daan upang mapatupad at masunod ang gender equality at women
empowerment sa Filipinas at 5. ninanais ng bill na ito na mabawasan ang maternal
mortality rate, bilang ng mga namamatay sanggol sa bawat 100, 000 na
nailuluwal ng buhay, mula sa 221 na bilang pababa ng 54 na lamang hanggang sa
tuluyang mawala. Ano pa nga bang mali sa RH
Bill? Wala namang buhay na kinikitil sa halip ay magliligtas pa nga ito ng
daang libong mamamayan ditto sa Filipinas. Sa limang magagandang layunin na
isinaad ko, buhat lahat sa mismong Reproductive
Health Bill na isinumite nina Representative
Lagman, hindi mo ba nakikita na ito ang
sagot sa mga pangunahing problema sa ating lipunan?
Pinagkuhanan: fightrhbill.blogspot.com |
May tatlong bagay akong nais
ipamulat sa inyo. Anu-ano nga ba ang dahilan kung bakit suportado ko ang RH Bill? Una sa lahat, natural na sa mga
taong makipagtalik. Hindi natin ito maiiwasan sapagkat nasa hormones na ng bawat tao ang pagkasabik
sa sex. Hindi ko sinasabing dapat
nang suportahan ang pre-marital sex
pero, paano ba natin mapipigilang
matukso ang mga kabataan at iba pang hindi pa buklod sa simbahan? Pangalawa, sa
dami ng kaso ng HIV Victims sa
Filipinas, nararapat na lamang na maabutan sila ng tulong at nararapat na rin
na gumawa tayo ng paraan para mapigil ang paglobo ng bilang. Hindi natin sila
dapat pagdiriin bagkus ay abutan pa ng pag-unawa at pagramay dahil sa isang
punto sa kanilang buhay, hindi nila ginustong magakaroon sila ng ganitong karamadaman.
Ang panghuli at pinakamahalagang rason, ang bill
na ito ang magiging extension ng
ipinaglalaban ng Miriam College na women empowerment at gender equality. Ang Filipinas ay biased sa lahat ng bagay. Karamihan,
maraming nagmamaliit sa kakayahan ng mga kababaihan. Dahil dito, maraming
nang-aabuso sa mga ito. Dapat ng mapigilan ito sapagkat pantay-pantay ang
pagkakalikha sa atin ng Panginoong Maykapal. Wala sino man ang bingyan ng
karapatang magmataas at magmaliit ng kapwa.
Bilang pagtatapos, mariin kong
isinusulong ang Reporoductive Health Bill
dahil ito ang makakabuti sa Filipinas at mga mamamayan nito. Wala namang
masamang layunin ang bill nito. Sa
katunayan, ito ay binuo alinsunod sa mga problemang hindi mabigyang solusyon ng
mga taong nakaupo sa gobyerno. RH Bill
ang magsisilbing paunang gabay tungo sa matuwid na daan.
Pinagkuhanan: http://rojan88.wordpress.com/tag/anti-rhbill-pro-rhbill/ |
No comments:
Post a Comment